Saturday, October 27, 2007

to boost up that optimism!!!

THE BEST DAY OF MY LIFE


Today, when I awoke, I suddenly realized that this is the best day of my life, ever!

There were times when I wondered if I would make it to today; but I did! And because I did I'm going to celebrate!



Today, I'm going to celebrate what an unbelievable life I have had so far: the accomplishments, the many blessings, and, yes, even the hardships because they have served to make me stronger. I will go through this day with my head held high, and a happy heart.

I will marvel at God's seemingly simple gifts: the morning dew, the sun, the clouds, the trees, the flowers, the birds. Today, none of these miraculous creations will escape my notice.



Today, I will share my excitement for life with other people. I'll make someone smile. I'll go out of my way to perform an unexpected act of kindness for someone I don't even know.


Today, I'll give a sincere compliment to someone who seems down. I'll tell a child how special he is, and I'll tell someone I love just how deeply I care for her and how much she means to me.



Today is the day I quit worrying about what I don't have and start being grateful for all the wonderful things God has already given me. I'll remember that to worry is just a waste of time because my faith in God and his Divine Plan ensures everything will be just fine.


And tonight, before I go to bed, I'll go outside and raise my eyes to the heavens. I will stand in awe at the beauty of the stars and the moon, and I will praise God for these magnificent treasures.


As the day ends and I lay my head down on my pillow, I will thank the Almighty for the best day of my life. And I will sleep the sleep of a contented child, excited with expectation because I know tomorrow is going to be the best day of my life, ever!

Thursday, October 18, 2007

my daemon's name is inachus... mukang kuting...

got this from the official website of the movie the golden compass.
sabi nitong website na ito (syempre hindi natin alam kung chorva lang yun o for promotinal epek!),
may kanya kanyang Daemon daw ang bawat tao at nagbabago ito habang lumalaki ito...

sa akin, ang pangalang niya ay Inachus. wow! susyal! mabalahibong pusa siya... heheheh...




cute noh? try nyo rin...

incredimail... pantastik!!!


na-excite naman ako sa bago kong email client na natuklasan! ang INcRedImaiL!
super cute nito at bagay na bagay sa aking trip.

nagprint screen ako kasi nagulat ako ng may lumabas na manong sa corner ng monitor ko para i-deliver ang mainit init na e-mail! super coool!!! click here para naman ma-try niyo kung gaano sya ka-cute... hehehe... super! pwedeng pwede nyong i-configure ang anumang web-based email accounts nyo pwera lang sa selfish na hotmail!

pambihira! kailangan mo pang magkaroon ng paid account para ma-enable ang POP3 mo at para ma-set mo ito sa iyon email client (eg. eudora, outlook, incredimail). i hate them! huhuuhuhu... hindi ko tuloy magamit ang incredimail sa hotmail account ko. kainis! pero di bale. cute pa rin si incredimail at masaya pa rin ako na nakilala ko siya.

signature ko nga pala sa e-mail:


Wednesday, October 17, 2007

jim and andy stole my sleep

last night, antok at medyo bad trip na kasi late na at hindi pa ko natutulog, nag-aya si chris na manood ng movie. palagay nyo right timing ba yun? huh? palagay ko,oo, tamang tama ang oras na yun para.. tumawa... hehehe...

isinalang ang Man on the Moon, ang buhay ni Andy Kaufman, isang henyo at batikang komedyante noong late 70's to early 80's. ginampanan ni Jim Carrey ng buong husay at buhay ang papel na tipong hindi mo talaga makikita ang katauhan ni Jim Carrey kungdi si Andy Kaufman na buhay na buhay na nasa stage at nambibiktima ng kanyang audience. ala-una na ng madaling araw, humahagikgik pa rin kami ni chris sa sobrang aliw namin sa pelikulang Man on the Moon.



wala akong kwentang mag-review ngayon kasi bad trip ako sa boss ko. hay nakow talaga. hehe. gumana na naman kasi ang pagiging walang direksyon nya at hindi pag-kaorganizado. wala naman akong maipipintas kasi sa ugali nya pero, hello?! nababasag na talaga bungo ko kung paano aandar itong kumpanyang ito ng walang pundasyon na pag-aaral o research. syempre pa, i digress.

backto the man on the moon, it's my pleasure to tell you it is indeed a 4.99 out 5 and a must see. it's an award winning film, awards include Golden Globe, Grammy,and Boston Society of Film Critics Award for the outstanding performance of Jim Carrey and the film in general.

an excerpt of the film nga pala... para naman ma-convince ko kayo...




Tuesday, October 9, 2007

listen with your heart...



I've been through a raging battle of choosing between:

a job offer so tempting it will give me the opportunity to fly to my dream land, Canada, and earn salary far better what I am currently getting, a job full of optimism, wonderful and sensible bosses, with a clear career ladder that will let me have my desired position of a Marketing Communication Executive in the future and exposure to the corporate world...

versus...

my current job which is as vague as the frosted window in the winter season...
no plans.
no growth.
no benefits.
no bonus.
no organization.
no Canada.
no going up nor down.

no nothing. the exact opposite of the first one.

I think it's much too obvious which one did I chose to stay.
Of course, the one God gave me.

***

6 months ago, I asked God for a 3000dirham-job.
I got it exactly the way I prayed for it.

3 months ago, I whined and complained my boredom to this job I have. and still whining for a couple of months.

7 days ago, I realized the purpose of my stay. I decided to stay.

6 days ago, I got a phone call for a job interview.

4 days ago, I was offered my dream job.

3 days ago, I handed my resignation letter and started to work for my dream job.

yesterday, I was still confused, torn between the want to go and escaped these seemingly cold and disorganized people and chase the greener pasture or commit to my vow to stay for the next 6 months trusting the Lord with all my heart, my mind, my soul and my strength of what He can do if I remain faithful and trust Him...

today, I heard God's voice saying... trust Me... and witness what I will do if you'll keep My word into your heart...

I listen, I adhered, I'll obey.

***

Sunday, October 7, 2007

i'm timing on time




I knew I had a problem with time management when I did the following:

a. Watched wowowee's contestants' narrations of their lives' tragedies instead of worrying that I am 30 minutes late and should be ironing my blouse and trousers and oh, taking a bath.

b. Got hooked up with Heroes (a tv series featuring people of superb supernatural powers which is sort of the tv series version of x-men, except that this Heroes plot is so madly woven and the characters deliciously intertwined. thanks to Tim Kring, writer and producer of Heroes) that I am just about to sleep at the exact time my house mates are snoring and dreaming and waking up when almost all of them are gone to work

c. Made up a resolution that I won't ever be late again and still comes to office through a cab because the bus already passed while I was still in comma

d. Gave excuses that my work is so lame and darn boring... which is true though... (kahit na...)

Wondering how to halt this chronic tardiness of mine, I chanced upon one of the articles in WIkiHow, a a website functioning as manual full of how to's.

the article is entitled:

How to be punctual


follow the link and if you're like me working to beat that tardiness out of you, the steps recommended are really helpful, practical and useful you might want to try if it's effective in you.

as for me, I've already started. Wish me the best.

***

Sabi ni Aristotle, we are what we repeatedly do, Excellence then is NOT an ACT but a HABIT.

If I get myself on time with my appointments, I surely am practising myself the habit of being on time. Thus, If I get myself successfully punctual, then tardiness will no longer be a problem with me.

Pero sabi rin sa research, for a certain action to be fully transformed into a habit, it takes 21 consecutive days to practice it. Extra challenge: 21 days of punctuality. walang mintis! Wahaha!

Wednesday, October 3, 2007

being a freeman (or woman?)... love it!


i had a wonderful time talking to my sister online. it's such a heartwarming experience na hindi ko ipagpapalit sa isang buong litson. hehe. jowk.

we discussed about mae, and also partly dwelt on past issues na hindi nauungkat at naibabaon na lamang sa limot ng nakaraan. while talking with her, it was as though we are putting down all the gaps we had in the past, all that defenses, and just trying to be real sister, we are having some real conversation.

it was beautiful, it was awesome.

it was the first time i told her how much we appreciate her and love her without feeling my heart was tied in knots...

i felt free.

and joyous. i wish i can share that ym conversation here but it's too personal and there are details i am not comfortable sharing with online readers.

by the way, i already got an offer from Amanah Holding in Dubai Internet City. The interviews went well (two face-to-face interviews, one with the CEO and the other one with the VP, and another online interview).

they are happy with the results of the interview.

Until now, I still am ecstatic, excited and idealistic... err... positive.

there is one mantra I kept on repeating and that is: I don't want to fail them.
and I won't....

(photos courtesy of www.istockphoto.com)

Tuesday, October 2, 2007

mula kay menggay ... ikalawang bahagi

Hindi mo MAn lanG ako napangiti,,oh napatawa man lang...mSarap magbaSa ng isng menSahe gling sa tAong tunay na nak2unawa Say0,,hbng umiiyAk!

yOU knoW wat?
remEmber tinatanOng mo ko kunG ok lang ba na umaliZ ka? sv ko Oo,,oo guSto ko paRA namAn,,maiwasan mo ang SermOn ng maHAl kong inA,,ang mag karOon ng sariling pera kung sAan gagastusin moh para sa sarili mO,,at mAgkarOon ng karanasan sa ibng bansa...haii.. peWo lam mO kya minSan sobra na lang ako makapaG isip kc kunG cNo pa yung taong nanjan para skn,,naka2unawa sKn,,ka bonding,,ka biruan,,at sa lht lht ay wala na sa tabi ko! gus2 kong mgalet sau,,mainis,,pero di ko mgawa!

pilit kong ginawa ang lhat para mging maAyos,,actually nag send din ako sa ym ni mama 2lad ng ceo! pero expected! no comment!,,hai i know busy xa tlg..hai,, ngayon..mahirap ang umiyak magisa..kulang na lng kausapin ko sarili ko para kumbinsihen na masaya ang mundo!

Nang tym na NSa japan ako...nung uuwi na ko...nainis ako kc paguwe ko,,di ko alm paano pa2takbuhin ang buhay ko! 3rd yr ako..d2 sa baba ti2ra,,at wala knah..Sa ngaun sa studies ko ok namn ako! nga2wa ko na ung dating di ko magwa..ung lagueng ATE..maY projEct ako..ATE..may ass.ako..ATE may report ako! haii ka2miss tlg Yun! pero dhl dUn nkuha kong 2mau sa srili ko!

malapiT na atah akong maloka d2!!!
wala akong makausap na matino! cguro pag nawalan ako ng cellphone bka matuluyan na kong maloka! heheheh,,

well it donE,, naubos na cguro luha ko...thankx 4 All.....

hayaAn mO akoNg lumuha,kAsaby nG SaYa nA mAsAbi ko anG lahAt sa munDo...
Sa baWat pag patak nito ay naaLala anG saYa ng nakaraaN....
Sa pagtatapoS ng araw, hayAan mo akong alalahanin ang oRAs na sandaling kasama ka...
Sumigaw ng malakas,,na walang Sino mang nakakaintindi sken!!....
maglakbay magisa hbng hinaharap ang takbo ng buhay!...

mAaring tama ka sa mga sinasabi mo..hai di ko lang tlg maiwasang magisip ng ganun,, sa oras ng iiyak ako habng ang gulo gulo ng mundo! pag mY nag aaway dito sten..lgue na lng akong iiyak! hanggang sa antukin...minSan nag pe praY ako na sana nSa langit nako! u know! harhar..kalokohan ko tlg umiiral nanaman..

lam mO pag nag uusap kme ni jen bout u,,di ko lng pinapakita pero niiyak na ko y? kc iniisip ko...paguwe mo ibng iba na ang laht...22o namn db? maaring di na tau ganung ka close paguwe mo! di 2lad dati,, habulan,,kurutan,,kagatan!!! haiiii kpagod din umasa na ang lahat ay panaginip lng at walang nagbago! pero kht nman anong icip ko! e2 na e,, ndi na magba2go....

tugon


Hi aking unang anak at unang pamangkin,

Masasabi mo sigurong may pagka-emosyonal ang dating ng sulat na ito pero hinihiningi kong basahin mo ito ng may buong pangunawa at pagpapasensya dahil una, emosyonal nga siya at pangalawa, mahaba siya.

Hayaan mo akong mangusap sa iyo sa pamamagitan ng sulat na ito. Gaano man ako kalungkot sa pagka-miss ko sa iyo, pipilitin kong maging masaya at pai-babawin ang saya ng ideya na mababasa mo ito at mapapangiti ka kahit ilang segundo lang.

Nais kong sabihin sa iyo na masaya akong malaman na tumatawid ka na sa ibayo ng buhay.

Sabi mo simple ka at mahiyain. Palagay ko, naging biktima ka lang ng pamilya at sirkumstansya. Marahil, nangingibabaw ang takot na maari kang tuksuhin at laitin ng mga siraulo mong tito/kuya nung ikaw ay bata pa. Malamang nga na tama ka, kung sa ibang pamilya ka lumaki, hindi mo dadanasin ang pangungutya at pagsikil sa kalayaan mong matuklasan kung ano ka at anong pwede mong magawa. Marahil nga.

Sabi mo wala kang talento. Hayaan mo akong kontrahin ka sa sinabi mong iyon.

Nang isinulat mo ang sanaysay tungkol sa Sining at ang Diyos, nakilala ko ang isang Menggay na hindi ko pa nakikita at nakilala kahit kailan. Sumibol ang isang tunay na manunulat na may lalim ang pinaghuhugutan. Hindi lahat ng tao maaring sumulat ng sanaysay na may saysay mahal kong Menggay. Talento ang nagdidikta sa taong iyon. May kakayanan kang humabi ng mga salita at pangungusap para tunawin ang malalamig na damdamin at ituon ang mga mata sa ganda ng buhay gaano man ito kapangit. May kakayanan kang ilarawan ang mga tanawin at damdamin sa pamamagitan ng iyong mga salita, orihinal, at ikaw ang may gawa.

Huwag mong ikahon ang talento sa apat na uri lamang: ang pagkanta,pagsayaw, pagtula at pag-arte.

Maliban dito, may libo-libong uri ng talento ang nilikha ng Diyos. Alam kong alam mo iyan. Dangan nga lamang at madalas natin iyang kalimutan.

Mapait at masaklap ang buhay. Malupit din ito sa mga tao. Maaring hindi tayo ang naging sanhi ng pagiging malupit nito at tayo ay naging biktima lamang. Pero tandaan mo, tayo rin, tayo mismo na nagmamay-ari ng buhay na ito ang gumagawa ng sarili nating destinasyon. Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating desisyon:

Ang habang buhay nating sisihin ang mga tao at sitwasyon na dumungis at nagpapangit ng buhay natin o ang isipin at purihin ang Diyos na maylalang sa lahat ng ating nakikita at naranasan?

Kung tatanungin ako, naging negatibo ako sa buhay noon. Nalalaman kong iba ka sa akin at iba ako sa iyo. Ngunit hinihiling kong payagan mo akong magkwento sa iyo ng bagay na ipanagpapalamat ko:

Una, pinagpapasalamat kong mayroon akong buhay. Noong isang araw, may napanood akong kwento ng isang bata, siguro kasing edad niya lang si Alex. Nakita ko kung paano niya pinaglabanan ang huling hininga niya na parang sinasabi: “Please, hayaan mo akong huminga pa, hayaan mo kong makasama ang aking mga kapatid at nanay sa pagkain ng talbos ng kamote at saging. Hindi ako hihingi ng maraming pagkain, isang hininga pa, please. Isa na lang.”

Sa bandang huli, namatay din ang bata.

Pangalawa, nagpapasalamat ako sa mga taong mahal ko.

Nagpapapasalamat ako sa iyo at kay kuya chris at kay mama mo, kuya marvin at ate vic at kay kuya al, tonton, kuya ado, kuya admer, kay alex kay empot, kay bisoy, kay chan2x, kay vincent, angel, lyka, gilyn, ka kuya jack, ka mang kulot aka papa, jennilyn at isama mo na rin ang ibang kamag-anak.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi buhay pa kayong lahat.

Ibig sabihin, may pagkakataon pa para ipadama ko sa inyo kung gaano ko kayo kamahal.

May oras pa.

Mayroon kaming kasama dito sa church na may cancer. Ang pangalang niya ay sister Jane. Alam mo baby Menggay, ang payat nya super. Siguro yung taba ko sa braso slice mo sa tatlo, ganun sya kapayat.

Ang hindi ko makakalimutan, after nyang maoperahan, bumalik uli sya sa church at kumanta ng:

“ My strength is in you Lord

My life is in You Lord,

My hope is in You Lord

In you, it’s in you…” habang lumuluha sa saya.

Sa isang taong malapit nang mamatay, ang kantang ito ay maraming kahulugan. Pakiramdam ko, malaking porsyento ng lakas at buhay ko ang nagamit ko sa maling bagay.

Pangatlo at huli, nagpapasalamat ako dahil araw araw, may mga himala at aral na nangyayari sa buhay ko. Araw-araw. Uulitin ko, araw araw.

Nakakainom ako ng chocolate drink, samantalang ang iba ay hindi man lamang makalunok ng isang butil ng bigas. Nakakalakad ako ng 30 minutes sa ilalim ng araw, samantalang may mga taong nabiktima ng car accident na naputulan na ng paa. (Sa UAE, araw araw, may car accident. Araw araw, may isang pares ng paa na pinuputol o isang buhay na binabawi.) Na-chachat ko kayo o na-eemail, samantalang yung iba, ni ABAKADA hindi marunong. Kahit birthday nila di nila alam.

Noong bata ako, sabihin na nating high school. Galit din ako. At sinisisi ko ang lahat ng nangyayari sa akin at lahat ng tao sa paligid ko. Naririmariman ako sa araw-araw na pagtatalo at pagsigaw. Sa loob at labas ng bahay, palagay ko sa kanilang lahat, monster. Nauhaw ako sa taong pwedeng makinig sa akin. Palagay ko, walang nakakaalam ng nasasaloob ko. Palagay ko: walang may pakialam. Marami akong sinisi, tao, pangyayari, utak na makikitid, mga mangmang sila. Huminto ako doon. Nakalimutan sisihin ang sarili ko dahil hindi ko man lamang tinangkang baguhin kung anuman ang nakagisnan ko.

Iba ka. Iba ako. Ang mga dinadanas mo ay hindi ko nararanasan ngayon o noon. Tunay ngang iba ka at iba ako. Pero sana magtiwala ka kung sasabihin ko sa iyong nauunawaan kita. Naiintindihan kita.

Hindi habang buhay, may oras tayo. Huwag mo sanang sumpain ang buhay ng bigay sa iyo ng Diyos. Huwag mo sanang sumpain ang talentong ipinagkaloob sa iyo.

Sa halip gamitin mo ito para mabago ang mga bagay na ayaw mo. Walang perpektong tao at sasabihin ko rin sa iyo, walang perpektong pamilya. Walang perpekto sa mundo. Ang kaligayahan ay natatamo ng isang tao natagpuan niya na ang hinahanap. Sa sarili ko, masasabi kong natagpuan ko na nga kung ano iyon. Ang mahalin ang Diyos at mahalin kayo habang buhay pa ako.

Hindi kita dinidiktahan aking baby Menggay. Wala akong kakayanang gawin iyon sa iyo. Isa rin ako sa mga mangmang.

Ang nais kong lamang sabihin sa iyo:

Maari kang magalit ka sa mundo.

Pwedeng pwede mong sisihin ang mga tao.

Malaya kang ipadama at sabihin lahat ng nasa loob mo.

Pero…

Huwag kang matapos sa ganito.

Huwag kang matapos sa pag-iisip na ang lahat na lang sa buhay mo ay mali. At tipo bang wala ka nang maipagpapasalamat.

Huwag kang matapos sa konklusyon na walang gustong makinig sa iyo.

Huwag mong isipin na ang bahay na tinitirhan mo ngayon ay walang pagmamahal at walang pagmamalasakitan.

Gamitin mo ang kalayaan mo na alamin ang buhay mo, magpasimula ng pagbabago at tumingin, hindi sa tao, kungdi sa Diyos na lumikha sa lahat ng ito.

Kilalanin mo ang ganda ng buhay, huwag mo lang silang isulat.

Kilalanin mo ang ganda ng mga tao, huwag mo lamang isipin ang kaartehan nila at kamangmangan.

Magpakatalino ka aking pamangkin, aking Menggay.

Magpakadalubhasa sa ganda ng buhay. Malalaman mo, mauunawaan mo, na ang mga maliliit na bagay na madalas nating ipagsawalang-bahala ang siya palang pinaka-importante sa buhay ng tao.

Maaring impyerno ang lugar kung saan ka naroroon sa ngayon, pero tignan mo, naririnig mo ang halakhak ni Lyka, ang atungal ni Leklek, ang pagsusumbong ni Bisoy, ang bungal ngunit cute na cute na si Chan2x, ang ating pink na bahay, (na minsan mukhang orange), ang bango ng damit ng mama mo pag galing siya ng Airport (na tinatawan natin minsan na ‘amoy Japan’ or ‘amoy package’, hanggan ngayon tanda ko pa ang bango nga nyon), ang tindahan nina kuya Fernan na pwede nyong pagtambayan.

At higit sa lahat, ang pinaka-magandang rooftop sa buong mundo. Nararating mo ito. At napupuntahan araw-araw. Kapag napapagod ka na sa away at sigawan, may isang Diyos na pwde mong pagsumbungan.Wala man kami sa tabi mo, ninais na rin ng Panginoon yun para maging mas close kayo.

Sa huli, nais kong sabihin sa iyo na mahal na mahal kita at patawad kung nagkulang man ako sa iyo ng pagpapakita ng pagmamahal na yun. Ako man ay naglalakbay rin gaya mo, sa landas ng buhay. Hindi pa rin ako perpekto.Pero sa habag at tulong ng Panginoon, we’re getting there.

Huwag mong kakalimutang magpasalamat sa Lord sa mga chocolate na may almonds at tandaan na hindi lahat ng tao nakita na ang magic na meron ang mga cherry blossoms. Maraming maganda at matalino, pero sa buong mundo iisa lang si Raziel Mae. Hindi ko siya panghabang buhay na baby. Pero naniniwala akong makakagawa siya ng pagbabago na kahit ako sa sarili ko hindi ko makakayanang gawin. Don’t fail God. Don’t fail yourself. Don’t stop searching. Through Him who can strengthen us in everything that we do, trust and entrust your prayers.

Mahal na mahal kita. At miss na miss na kita at kayong lahat…

Love lots,

Ate Ice

mula kay menggay



nagulat ako sa YM na natanggap ko mula sa aking pinakakamamahal na pamangkin.Iniwan niya ito as offline message at nabasa ko na lamang kinabukasan, umaga, pagpasok ko ng opisina...

Pagkatapos kong mabasa ang message niya, parang gustong kong umuwi ng pinas at yakapin sya.


razieL castiLLo (9/28/2007 4:53:46 PM): ako? simple,,mahiyain,,pero di nila alm lht ng kaya ko ginagawa ko para matuwa cla skn,,topakin din kung minsan,,masaya ako pag madaming natutuwa skn,,mahina loob ko,,lalo na pag emotional na,,di ako talented pero my kaya ko na walng ibang naka2gawa unique ako e,,isang anak,,hiwalay ang magulang pero its ok!,, masaya akong nki2ta n lang clang msaya,,maba2w lang luha ko,lalo na pag pinapglitan ako,,makulet talaga ako as in,,matigas din ang mukha,,ammhh,,gus2 kong mag karoon ng bestfriend na lalake y?,,bestfriend? kc gus2 ko my napagsa2vhan ako ng sama ng loob ko! kc busy lht cla e,,bute pah friends ko,,bkt lal2ke? wahh kung alm nio lang iwas ako sa la2ke sobra! kaya nga auko ng pinaghi2nalaan ako e...ammhh wala lng gus2 ko lang la

hai! bkt kaya sa dame ng tao sa mundo 2ng pamilyang 2 pa ang napuntahan ko! e2ng kamaganak pa ang nakasama ko! hai! wat a damn lyf!!!! kung fwede lang mag layas,,mag punta s pinka malaung lugar na walang nka2kila2 skn,,haiiiii,,kc kung cno pa ung taong mga nak2intindi skn cla 2ng wala ngaun! i mish you!

razieL castiLLo (9/28/2007 4:38:01 PM): i dont want to live in diz world,,oh its a hell...huhuhuh lagueng may away! lague na lang my cgawan! hai!!!

OF WORDS AND QUOTES

Word of the Day

Quote of the Day