Monday, September 17, 2007

kinikilig

paano maging blogger?

una, pumunta sa www.blogger.com

pangalawa, kung wala ka pang gmail account, it's time para magkaroon na!

ang username mo at ang password mo sa gmail ay sya ring magsisilbing username at password mo sa blog mo.

pangatlo, pumili ng blog title at blog address (siguraduhing ang mga sumusunod ay embodiment ng iyong personality, wag gumamit ng masyadong general na term gaya ng bilog. :D ) at i-key in ang word verification na automatic na nilang ibibigay!

maghintay ng ilang segundo.... 1..2....3....4...

at voila!!!! may blog ka na!!!!

mantakin mo! ganito lang kadali ang paggawa ng blog! mas nahirapan pa akong magkabisa ng multiplication table nung grade two ako kesa sa paggawa ng blog na ito...

pero itong blog na ito at ay simpleng blog pa lamang naman.

marami rami pang options katulad ng paggawa ng blog sa friendster, my space, windows live today, wordpress, at kung anik anik pa... pero katulad ng pagdadala mo ng apelyido ng tatay mo, ganito rin ang sistema ng pangalan o ng address ng blog mo. laging kaakibat ng blog address mo ang domain na naghohost ng blog mo. katulad nitong sa akin: www.bilogako.blogspot.com

kung gusto mo namang makalaya sa pangalan ng iyong host, kailangan mong bayaran ang sarili mong pangalan. kung nanaisin kong maging www.bilogako.com na lamang ang blog address na ito, kailangan ko pang iregister ang domain na iyon at bayaran panghabambuhay o kung hanggang kailan tatagal ang internet sa mundong ibabaw ang blog address na uniquely sa akin lamang... parang pagpapalit ng pangalan... kailangan mong pumunta sa korte at dumadaan ng samu't saring proseso para mapalitan ang apelyidong bagong gahasa o nakngtinapa na kaakibat ng iyong first name(if unfortunately eh etu ang apelyido ng angkan nyo).

(same din to ng mga babaeng mag-aasawa, if mag-papalit ka ng gusto mong apelyido, syempre apelyido ng asawa mo, marami pang proseso)

at syempre higit sa lahat, magbabayad ka.

tunay nga naman: freedom has a price.

pero, currently, masaya naman akong dalhin ang apelyidong blogger. chaka user-friendly naman sya, so in na rin ako. chaka wala akong pambayad, kanjus(kuripot sa lenggwaheng urdu) ako.

well... well...well... bakit nga ba ako gumawa ng ikatlong blog?

una, kasi pag trip kong mag-express ng sarili ko in my native languange, magagawa ko. yung isa ko kasing blog, sinusubukan kong pure english sana para mahasa pa ng tuluyan ang aking kakayanang makipagtalastasan sa lenggwaheng banyaga. gwaheheheh...

chaka isa pa, para naman wala lang... mas less serious. hindi naman siguro sa pagiging schizophrenic,pero sa blog na ito, yung kababawang side naman ang ipapakita ko.

ayun... mas maraming blog, mas masaya! wish ko lang.... gwahehehehe....

No comments:

OF WORDS AND QUOTES

Word of the Day

Quote of the Day