kahapon, nag-nose bleed ang pinsan ko na itatago na lang natin sa pangalang , verlyn. nagdugo ang ilong niya pagkatapos kong sabihing isa siyang 'bourgeois pretending to be the voice of the majority'. pero syempre joke lang iyon. katatapos lang naming manood ng kokey o nanonood ng kokey ng biglang umagos ang sanlaksang dugo mula sa kanang butas ng kanyang ilong.
syempre, nagworry ako. tinanong ko sa kanya kung gaano ka-frequent ang pagdudugo ng kanyang ilong. at kung nag patingin na ba sya sa doktor.
dito sa dubai, sa mahal ng check-up, hindi ko masisisi ang pinsan ko kung estranghero sya sa salitang doctor at clinic. (iranian hospital - 50dirhams - equivalent to 600pesos-ni hindi ka nga nila hahawakan o gagamitan ng stethoscope tpos sisingilin ka ng 600pesos!absurd! (=^.^=))
makalipas ang ilang sandali, nalasahan nya ang maalat at malansang dugo sa bibig nya. ok sa all right, pati sa bibig lumalabas ang dugo.
sa isang taong nawalan ng nanay, at naging factor ng maaga nyang pag-uwi sa orig nyang hometown ay ang aming obvious negligence, mas naging cautious na ako sa lahat ng uri ng symptoms ng pagkakasakit. yung kay mama kasi highblood sya at madalas ang nose bleeding nya at may obvious amount of blood whenever she spits. (or spat?)
(hindi lang streak. naisip ko pwede n syang gumawa ng abstract painting sa pagdura nya sa isang blank canvass kaso lang 'magiging madugo yun panigurado')
sana ma-realize ni kazin na isa lang ang buhay ng tao and gift ito sa atin ni Lord, dapat pangalagaan at hindi i-taken for granted.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
OF WORDS AND QUOTES
Word of the Day
Word of the Day
provided by The Free Dictionary
Quote of the Day
The artist produces for the liberation of his soul. It is his nature to create as it is the nature of water to run down the hill.
W. Somerset Maugham (1874-1965) |
Quote of the Day
provided by The Free Library
No comments:
Post a Comment